MAGANDANG ARAW NILALANG.
Plurk
WHAT I WANT TO BE.
Fourth. Itatalakay ko naman kung what I want to be in the future. Wala na akong matalakay eh. Pasensya na. Ito pa lang naiisip kong paraan para maipakilala ko sa inyo ang sarili ko this one week of continous blogging ko. Noong bata ako, gustong gusto ko maging BETERINARYO. Siguro dahil sa pagkahilig ko sa mga hayop. Nagulat ako noong Grade 6 ako noong binalik sa amin ng eskwelahan ang aming files simula grade 1 dahil nakalagay noong grade one na gusto ko daw mag-PARI. Hardkor talaga. Natawa talaga ako dun. Anyway, habang lumalaki ako, siyempre normal lang sa isang lumalaking bata na mag-iba ng interes. Dahil palagi akong kasama ng ate ko tuwing may checheck-upin siya, nagkaroon naman ako ng interes sa siyensya. Gusto kong maging DOKTOR. Naging matagal ang pagkakaroon ko ng interes sa pagiging doktor. Habang tumagal ay nawala rin ang interes ko sa mga ganoong bagay. Dahil nakiki-uso ako, ginusto ko rin maging NARS. Siguro dahil nalaman kong malaki-laki ang sinisweldo nila sa ibang bansa. Tumagal ito hanggang Third Year High School. Dumating ang Fourth Year, hindi ko na alam kung kukuha ako ng NURSING. Habang tumatagal, nalaman kong may malaking interes ako sa pagluluto kaya noong oras na para mag-apply para sa kolehiyo, ang inapplyan ko ay Hotel Restaurant Management. Desidido na akong maging CHEF. Kung napaisip kayo kung bakit HRM kung gusto ko namang maging Chef? Gusto ko kasing maging diverse ang sakop ng nalalaman ko. Para kung sakaling mag-sawa na ako mag-luto, pwede akong mag-manager. Pagkatapos ko mag-HRM, balak kong mag-culinary arts. Mayroon rin akong interes sa komyunikasyon at komyuter. Gusto kong mag-aral ng FILM, PHOTOGRAPHY, AT MULTIMEDIA ARTS. Hindi ko alam kung nasa tama ang pag-iisip ko, pero NORMAL BA NA GANYAN KADAMI ANG GUSTONG MATUTUNAN NG TAO? NORMAL PA BA AKO? MAYROON BANG TAONG MAY NAKAKABIT SA PANGALAN NILANG Chef, M.D., D.D.M., Atty., at Engr. ng sabay-sabay?
|
0
comments
|
HISTORY.
Third day. Gusto ko muna bumati ng Maligayang Kalayaan sa inyong lahat! Mabuhay! Hindi ko na alam kung ano ang isusulat ko dahil na-drain na marahil sa pagsusulat ko noong mga nakaraang araw. Pwede rin dahil wala akong inspirasyon *ehem* :)) Siguro ang tatalakayin ko na lamang ay ang "history" ng aking pagsusulat sa formal theme paper, pad paper, upuan sa klasrum, sa palad, at sa bus. Nagsimula akong magsulat noong hayskul ako. Noong freshman at sophomore ako ay madalas napipilitan akong magisip ng mga bagay bagay katulad ng: "Ano ang natutunan sa pagkakapatay ni Lapu-Lapu kay Magellan?", "Ano ang opinyon mo sa ibinigay na pahayag ni PGMA sa kanyang SONA ngayong taon?", "Ano ang pagkakapareho ni Totoy Bato at ng Star Trek?", atbp. Ngunit pagtungtong ko ng third year, nagkaroon ako ng interes sapagsusulat. Madalas ay hindi ko na pinipilit ang sarili mag-isip ng aking isusulat. Nagkaroon ako ng madaming idea, opinion, suwesyon, at komento. Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Sa aking pananaw, dinukot ako ng aliens habang natutulog at dinala nila ako sa spaceship nila at binigyan ng extra powers para makapagsulat ako ng maayos. [pasensya na malawak ang imahinasyon ko] Pagdating naman ng Ikaapat na baitang, mas lumakas ang powers na binigay sakin ng aliens. Dun ko nagawa ang Ilan sa mga pinagmamalaki kong piyesa. Sayang nga lang at hindi ko ito naipamahagi sa inyo hindi kagaya ngayon na napapalaganap ko ang prutas ng binigay ng aliens sa akin. Hindi sa nagmamayabang ako ngunit noong pagpasa ko sa aking guro ng aking piyesa at kanya namang binasa, binati niya ako na maganda ang aking gawa. Hindi ko alam kung nagbibiro lamang siya o masaya lang talaga siya noong araw na iyon kaya niya 'yon nasabi. Basta naging masaya ako noong oras na iyon dahil alam kong maayos naman ang aking gawa dahil binigyang pansin ko ang mga mahihirap. [Iyon yata ang topic ng piyesa ko] Dahil ngayong nasa kolehiyo na ako at hindi na ganoong pinapansin ang pagsusulat dahil hindi naman iyon ang napili ko kurso, hindi na ako gaano nakakapagsulat. Ngayon ngayon na lamang na nakagawa ako ng sarili kong blog site. Dati rin ay mahilig akong magsulat ng mga tula. Ngayon ay hindi na dahil wala nang inspirasyon *ehem ehem* :))
SANA AY NALIBANG KAYO SA MGA PINAGSASABI KO.
|
0
comments
|
SCHEDULE = CRAP.
Eto na naman ako, my 2nd blog this week. Itatalakay ko naman ang aking schedule ngayong third year, first semester.
ETO ANG SCHEDULE KO NGAYONG SEMESTER:
Hassle nga. Nakakabadtrip. Wednesday lang ang pang-hapon ko. LAHAT PURO UMAGA NA.Ano kaya magiging itsura namin? Siguro magiging kamukha namin si Jabba The Hut. Puro kulubot at malaki ang eye bag. Bullcrap. Actually okay lang naman yung schedule namin kung konti lang yung hours ng break eh. Kaso yung break namin mga 2-3 hours at tuwing friday, 6 HOURS. watdapunk. 'di ba? siguro kaya ganoon ang schedule namin, dahil nakiki-share lang kami ng building. Kailan kasi kami magkakaroon ng sariling building? wth. Para naman maging masaya ako sa kabila ng ganyang schedule, iniisip ko na lang na FTW, makakasama ko mga blockmates and friends ko na namimiss ko na. :D
|
0
comments
|
FIRSTS.
This is my first time blogging in my new laptop-- or should I say, NETBOOK. BD
I also had my very first semi-kalbo haircut. THANKS TO MANG LARRY. ;)
I rode my favorite car also this day-- the VOLKSWAGEN BEETLE. :D
FIRST NETBOOK:
Ang saya saya ko dahil meron na rin akong sarili kong "laptop"
matagal ko nang pinangarap na magkaroon ng laptop
so nung pumayag si mom na bumili kami ng laptop, ang saya saya ko talaga. ang mga rason ko kung bakit masaya ay:
UNA, makakagawa na ako ng assignments and projects ko nang hindi nakakaabala sa business namin.
PANGALAWA, pwede ko 'tong dahil sa school at pwede akong mag-surf ng web ng libre! woot!
PANGATLO, kahit sa bahay, pwede akong mag-surf ng web. (pinagiispan pa kung bibili kami ng wifi router or broadband na lang.)
FIRST SEMI-KALBO HAIRCUT:
nagdadalawang isip ako kung magpapagupit ako ng regular clean-cut or semi-kalbo haircut kanina.
Iniisip ko kung babagay sakin ang semi-kalbo dahil hindi ko pa nasusubukan magpagupit ng ganun at pangit naman itsura ko kapag clean-cut lang.
Hiningan ko ng opinon sa halos lahat ng taong kilala ko: mga tao sa bahay, mga kaibigan, mga plurkers, at si Mang Larry, ang barbero ko simula pa nung first haircut ko.
Nung tinanong si Mang Larry at sinabi niyang babagay naman sakin, tinuloy ko na ang pagpapagupit ng semi-kalbo.
First time kong kinabahan habang ginugupitan. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang dumaan ang gunting sa buhok ko. GOODBYE HAIR~ YOU SERVED ME WELL. :))
Nang matapos na ang pagugupit sakin, nakita ko naman na bagay sakin ngunit nagmukha akong malaking siopao. Pero ayos lamang dahil napakpresko ng pakiramdam.
Hindi na ulit ako tatawagin ng nanay ko na LAMPONG (asong mahaba ang balahibo), FTW.
OVER-ALL WIN TODAY! XD
|
0
comments
|
ngunit kapg binabalikan,
lagi na lang nasasaktan.
|
1 comments
|
100 truths
001. Nickname:
- Franz, Ryan, Hachi,
002..Birthday:
- August 20, 1991
003. Eye color:
- Brown
004. Zodiac sign:
- Leo
005. Male or female:
- Male
006. Single:
- yeap.
007. Crushing:
-
009. Smart:
- TALAGA?!
010. Hair color:
- Reddish-Green. :]]
011. Long or short:
- Short?
013. Sweats or Jeans:
- jeans
014. Phone or Camera:
- Camera
015. Health freak:
- Freak lang. :]]
021. Righty or lefty:
- right-y
FIRSTS:
024. First best friend?
- Lorenzo Bongat? Nakalimutan ko na! xD
025. First award?
- WALA.
026. First enemy?
- mabaet ako nung bata. :>
027. First pet?
- Patricia. The Cat Doctor. xD
028. First vacation?
- Pangasinan.
CURRENTLY:
049. Eating?
- NDE.
050. Drinking?
- NDE.
052. I'm about to?
- THROW UP.
053. Listening to?
- THE BREEZE.
054. Plans for today?
- SLEEP.
055. Waiting for?
- HER? :>
WHICH IS BETTER WITH THE OPPOSITE GENDER:
068. Lips or eyes?
- Eyes.
070. Shorter or taller?
- Shorter.
072. Romantic or spontaneous?
- Romantic.
074. Sensitive or loud?
- Sensitive.
075. Hook-up or relationship?
- Relationship.
HAVE YOU EVER:
079. Drank bubbles?
- Soap, OO. :>
080. Lost glasses/contacts?
- never had.
081. Ran away from home?
- i'll think about it. :>
084. Broken someone's heart?
- NO.
085. Been arrested?
- Sabi sayo, mabait ako. :>
ANSWER TRUTHFULLY:
097. Do you like someone?
- yeaps.
098. Are you seriously happy with where you are in life?
- i'll think about it.
099. Are you deeply in love with someone right now?
- NO.
100. Post as 100 truths.
- SHERR.
Posted In
100 truths
|
0
comments
|
Hindi ko alam ang gagawin.
"A blog (a contraction of the term weblog) is a type of website, usually maintained by an individual with regular entries of commentary, descriptions of events, or other material such as graphics or video. Entries are commonly displayed in reverse-chronological order. "Blog" can also be used as a verb, meaning to maintain or add content to a blog.Many blogs provide commentary or news on a particular subject; others function as more personal online diaries. A typical blog combines text, images, and links to other blogs, Web pages, and other media related to its topic. The ability for readers to leave comments in an interactive format is an important part of many blogs. Most blogs are primarily textual, although some focus on art (artlog), photographs (photoblog), sketches (sketchblog), videos (vlog), music (MP3 blog), and audio (podcasting). Micro-blogging is another type of blogging, featuring very short posts. As of December 2007, blog search engine Technorati was tracking more than 112 million blogs."
PLURK ko, dahil sabi sa depinsyon ng blog na aking ibinigay kanina, mayroon ding tinatawag na micro-blogging kung saan mas maiikli ang mga pinopost na mga blogs. Kailangan ko rin ng iyong komento sa topic na ito. ANO SA IYONG PALAGAY, BLOG NGA BANG MAITATAWAG ANG PLURK?
|
0
comments
|



