MAGANDANG ARAW NILALANG.

Ikaw ay nasa ibang dimensyon ngayon, sana ika'y masaya sa pag-pili mo na puntahan ang blog site ko.

Plurk

FIRSTS.

Wednesday, June 10, 2009 at 7:04 PM

This is my first time blogging in my new laptop-- or should I say, NETBOOK. BD

I also had my very first semi-kalbo haircut. THANKS TO MANG LARRY. ;)
I rode my favorite car also this day-- the VOLKSWAGEN BEETLE. :D


FIRST NETBOOK:
Ang saya saya ko dahil meron na rin akong sarili kong "laptop"
matagal ko nang pinangarap na magkaroon ng laptop
so nung pumayag si mom na bumili kami ng laptop, ang saya saya ko talaga. ang mga rason ko kung bakit masaya ay:
UNA, makakagawa na ako ng assignments and projects ko nang hindi nakakaabala sa business namin.
PANGALAWA, pwede ko 'tong dahil sa school at pwede akong mag-surf ng web ng libre! woot!
PANGATLO, kahit sa bahay, pwede akong mag-surf ng web. (pinagiispan pa kung bibili kami ng wifi router or broadband na lang.)


FIRST SEMI-KALBO HAIRCUT:
nagdadalawang isip ako kung magpapagupit ako ng regular clean-cut or semi-kalbo haircut kanina.
Iniisip ko kung babagay sakin ang semi-kalbo dahil hindi ko pa nasusubukan magpagupit ng ganun at pangit naman itsura ko kapag clean-cut lang.
Hiningan ko ng opinon sa halos lahat ng taong kilala ko: mga tao sa bahay, mga kaibigan, mga plurkers, at si Mang Larry, ang barbero ko simula pa nung first haircut ko.
Nung tinanong si Mang Larry at sinabi niyang babagay naman sakin, tinuloy ko na ang pagpapagupit ng semi-kalbo.
First time kong kinabahan habang ginugupitan. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang dumaan ang gunting sa buhok ko. GOODBYE HAIR~ YOU SERVED ME WELL. :))
Nang matapos na ang pagugupit sakin, nakita ko naman na bagay sakin ngunit nagmukha akong malaking siopao. Pero ayos lamang dahil napakpresko ng pakiramdam.
Hindi na ulit ako tatawagin ng nanay ko na LAMPONG (asong mahaba ang balahibo), FTW.


OVER-ALL WIN TODAY! XD

0 comments

Post a Comment