MAGANDANG ARAW NILALANG.
Ikaw ay nasa ibang dimensyon ngayon, sana ika'y masaya sa pag-pili mo na puntahan ang blog site ko.
Plurk
WHAT I WANT TO BE.
Saturday, June 13, 2009
at
7:24 AM
| Posted by
yagamihachi
Fourth. Itatalakay ko naman kung what I want to be in the future. Wala na akong matalakay eh. Pasensya na. Ito pa lang naiisip kong paraan para maipakilala ko sa inyo ang sarili ko this one week of continous blogging ko. Noong bata ako, gustong gusto ko maging BETERINARYO. Siguro dahil sa pagkahilig ko sa mga hayop. Nagulat ako noong Grade 6 ako noong binalik sa amin ng eskwelahan ang aming files simula grade 1 dahil nakalagay noong grade one na gusto ko daw mag-PARI. Hardkor talaga. Natawa talaga ako dun. Anyway, habang lumalaki ako, siyempre normal lang sa isang lumalaking bata na mag-iba ng interes. Dahil palagi akong kasama ng ate ko tuwing may checheck-upin siya, nagkaroon naman ako ng interes sa siyensya. Gusto kong maging DOKTOR. Naging matagal ang pagkakaroon ko ng interes sa pagiging doktor. Habang tumagal ay nawala rin ang interes ko sa mga ganoong bagay. Dahil nakiki-uso ako, ginusto ko rin maging NARS. Siguro dahil nalaman kong malaki-laki ang sinisweldo nila sa ibang bansa. Tumagal ito hanggang Third Year High School. Dumating ang Fourth Year, hindi ko na alam kung kukuha ako ng NURSING. Habang tumatagal, nalaman kong may malaking interes ako sa pagluluto kaya noong oras na para mag-apply para sa kolehiyo, ang inapplyan ko ay Hotel Restaurant Management. Desidido na akong maging CHEF. Kung napaisip kayo kung bakit HRM kung gusto ko namang maging Chef? Gusto ko kasing maging diverse ang sakop ng nalalaman ko. Para kung sakaling mag-sawa na ako mag-luto, pwede akong mag-manager. Pagkatapos ko mag-HRM, balak kong mag-culinary arts. Mayroon rin akong interes sa komyunikasyon at komyuter. Gusto kong mag-aral ng FILM, PHOTOGRAPHY, AT MULTIMEDIA ARTS. Hindi ko alam kung nasa tama ang pag-iisip ko, pero NORMAL BA NA GANYAN KADAMI ANG GUSTONG MATUTUNAN NG TAO? NORMAL PA BA AKO? MAYROON BANG TAONG MAY NAKAKABIT SA PANGALAN NILANG Chef, M.D., D.D.M., Atty., at Engr. ng sabay-sabay?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


0 comments